Jackpot prize sa Ultra at Super Lotto, hindi pa rin napapanalunan

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 09:26 AM

Watch also in iWantTFC

Wala pa ring nananalo sa P237 million jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakakuha sa winning combination na 19-06-26-43-33 at 40.

Dahil diyan, posibleng umakyat sa P243 million ang mapapanalunan sa lotto sa susunod na draw.

Samantala, hindi rin napanalunan ang P194 million jackpot prize sa 6/49 Super Lotto.

Walang nakakuha sa mga winning combination na 43-17-30-32-10 at 47.

Posibleng umabot na ng P200 million ang jackpot prize sa susunod na bolahan. Umagang kay Ganda, 30 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.