Command center ni Faeldon, aalisin ng bagong hepe ng Customs

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 12:16 AM

Watch also in iWantTFC

Umupo na bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs si dating Philippine Drug Enforcement Agency Chief Isidro Lapeña. 'One strike policy' umano ang paiiralin niya sa mga empleyado ng Customs na masasangkot sa katiwalian. Bubuwagin din ni Lapeña ang command center na binuo ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Aalisin din niya pati ang ilang itinalaga ni Faeldon sa Customs. Nagpa-Patrol, Niko Baua. TV Patrol, Miyerkoles, Agosto 30, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.