PatrolPH

Ilang tindahan sa Balintawak Market, tumigil na sa pagtitinda ng puting asukal

Larize Lee, ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2022 07:53 AM | Updated as of Aug 29 2022 09:59 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Bihira na lang ang mga tindahang nagbebenta ng asukal sa Balintawak Market dahil sa mataas na presyo nito.

Ang presyo ng puting asukal sa Balintawak, nasa P94-P100 pesos kada kilo pa rin, habang ang brown sugar naman ay nasa P68-P70 pesos kada kilo.

Bumaba naman ang presyo ng washed sugar na nasa P70-72 kada kilo mula sa dating P75.

Isa ang tindahan ni Princess Coleen Galambao sa mga tumigil na muna magtinda ng puting asukal.

Ang dating P250 kasi na sako ng puting asukal na kuha nila noon sa kanilang supplier, tumaas na ngayon sa P280.

"Kasi po sa white sugar po nagtaas po sa isang sako, bale kapital namin mataas na talaga. Ang bentahan namin sa isang kilo P100 na po, tapos kalahati P50 pesos, tapos yung 1/4 P25 kaya yung ibang customer nagrereklamo na din," kuwento niya.

Sa mga namimili, mas mabenta naman ngayon ang mga brown sugar na mabibili ng 1/8 kilo sa halagang P15.

Bukod sa asukal, isa rin sa binabantayan ngayon ng Department of Agriculture ay ang asin, pero wala pa namang inaasahang pagtaas sa presyo nito.

Nasa P10-15 pesos pa rin ang bentahan ng isang kilong asin dito sa Balintawak.

--TeleRadyo, 29 August 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.