SAPUL SA CCTV: Kahera, naloko ng 'palit-pera' modus ng kunwari'y customer

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 11:27 PM

Watch also in iWantTFC

Hinahanap na ng Legazpi City Police ang isang nagpapanggap na customer at nambibiktima sa ilang tindahan sa lungsod. Modus ng suspek na magkunwaring kulang ang isinukli sa kaniya. Pero ayon sa mga nagtatrabaho sa tindahan, may mga nakakakilala na sa suspek dahil pabalik-balik umano siya sa mga binibiktimang tindahan. Nagpa-Patrol, Jose Carretero. TV Patrol, Lunes, 28 Agosto 2017.