Ilang batang 'bakwit', sasamahan ng mga sundalo kay Duterte

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 12:29 AM

Watch also in iWantTFC

Sasamahan ng mga sundalo ang ilang batang 'bakwit' sa Marawi papuntang Maynila para ipasyal at personal na makilala si Pangulong Duterte. Samantala, ipinakita ng militar ang hitsura ng St. Mary's cathedral na isa sa mga unang sinunog ng grupong Maute nang lumusob sila sa Marawi. Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng militar at kaninang madaling araw, 10 miyembro ng Maute ang napatay ng Armed Forces of the Philippines. Nagpa-Patrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Lunes, Agosto 28, 2017.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.