Dating hepe ng pulis, kumolekta ng P1M renta, tinambangan

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 12:24 AM

Watch also in iWantTFC

Bumuo na ng task group ang Mandaluyong-PNP para imbestigahan ang pagpatay sa dating hepe ng San Juan drug enforcement unit na si Police Chief Inspector Hoover Pascual at kaniyang anak noong nakaraang linggo. Malaking hamon naman para sa pamilya na matukoy ang mastermind sa pagpatay dahil umano sa dami ng nakabanggaang tao ni Pascual sa kaniyang trabaho. Lumalabas din sa imbestigasyon na bago tambangan, tumanggap pa ng P1 milyong halaga ng renta mula sa paupahan si Pascual. Nagpa-Patrol, Angel Movido. TV Patrol, Lunes, 28 Agosto 2017.