Tensiyon, namuo sa pagitan ng pari at ilang miyembro ng VACC sa libing ni Kian

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2017 11:51 PM

Watch also in iWantTFC

Namuo ang tensiyon sa pagitan nina Fr. Robert Reyes at ilang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa libing ni Kian delos Santos kahapon. Ayon sa VACC, tinabig ng pari ang tarpaulin ng grupo. Itinanggi naman ito ni Reyes na iginiit na gusto niya lang mapanatili ang kaayusan sa libing ng binatilyo. Nagpa-Patrol, Abner Mercado. TV Patrol, Linggo, Agosto 27, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.