Home > News Supermarket sa Antipolo nasunog; pinsala aabot sa P35 milyon ABS-CBN News Posted at Aug 25 2021 10:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Nasunog ang isang supermarket sa Circumferential Road, Barangay San Jose sa Antipolo City, Rizal nitong Miyerkoles. Ayon kay Antipolo City fire marshal Gilbert Valdez, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali alas-4 ng madaling-araw. Mabilis na kumalat ang apoy sa ibang parte ng gusali hanggang umabot ito sa display area kung saan nakalagay ang mga ibinebentang produkto. Inakyat sa ikaapat na alarm ang sunog alas-5 ng madaling-araw at patuloy na inaapula. Walang nasugatan sa insidente pero tinatayang aabot sa P35 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Teleradyo, Tagalog news, fire, blaze, sunog, supermarket, grocery store, commercial area, Antipolo City, Rizal Read More: Teleradyo Tagalog news fire blaze sunog supermarket grocery store commercial area Antipolo City Rizal