'Run, Kian, Run' gagawin ng mga kaibigan at magulang ni Kian

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 11:23 AM | Updated as of Aug 25 2017 12:00 PM

Watch also in iWantTFC

Posibleng sumama sa pagtakbong "Run, Kian, Run", ang ina ni Kian Delos Santos na si Elsa Delos Santos.

Aniya, kasama ng mga kaklase, kaibigan at kamag anak, magsusuot din siya ng puting t-shirt na may nakasulat na "Justice for Kian".

Aminado siya na masama ang kanyang loob nang makaharap niya ang mga pulis na pumatay sa kanyang anak.

Di siya makapaniwalang sa social media lang kumuha ng impormasyon ang mga pulis para sabihing drug courier ang kanyang anak.

Dapat daw, nag-verify sila ng husto bago nila dinakip at pinatay ang kanyang anak.

Alas-8 ng umaga ng Sabado itinakda ang libing ni Kian. 

Sisimulan nila ang pag martsa patungo sa Precinct 7 ng Caloocan City Police para magprotesta at di-direcho sa simbahan ng Sta. Queteria para sa huling misa.

Mula simbahan, ihahatid nila sa huling hantungan sa La Loma Cemetery ang mga labi ni Kian. Umagang kay Ganda, 25 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.