50 bahay, nasunog sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 10:56 AM

Watch also in iWantTFC

Nasunog ang nasa 50 bahay sa Sitio Villa Zacate sa Barangay Basak, Cebu City.

Inabot ng halos dalawang oras bago na-kontrol ng mga bumbero ang apoy.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jun-Jun Regodo.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog, pero posible umanong dahil ito sa kandila o gasera. Wala umanong kuryente sa bahay ni Regodo.

Wala namang nasaktan sa insidente. Umagang kay Ganda, 25 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.