1 patay, 2 naospital matapos kumain ng puffer fish

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 11:01 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isang lalaki matapos malason dahil sa kinaing puffer fish sa Carcara City sa Cebu.

Kinilala ang namatay na si Federito Solon.

Naospital naman ang 2 kaibigan niyang sina Jerry Raagas at Primo Lastima.

Ayon kay Lastima, agad siyang uminom ng gata ng niyog matapos makaramdam ng di maganda pagkakain ng isda kaya gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ayon sa doktor, maaaring nakain ng tatlo ang lamang loob ng isda kaya sila nalason. Umagang kay Ganda, 25 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.