Bata isinilid ng amain sa sako, patay

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2016 09:56 AM

Watch also in iWantTFC

Isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa Davao City ang namatay matapos ma-suffocate nang ilagay sa loob ng sako ng bigas ng kanyang amain.

Depensa ng suspek na si Sonny Mendoza, didisiplinahin lang niya sana ang bata dahil sa kalikutan nito.

Nakita pa ng kapatid ng biktima ang nangyari at binantaan pa umano siya ng suspek na huwag magsusumbong kung ayaw niyang ilagay rin siya sa sako.

Ayon sa mga pulis, nahaharap sa kasong murder ang amain ng bata. Sasampahan naman ng kasong parricide ang ina dahil hindi man lang niya pinigilan ang ginawa ng suspek sa kanyang anak.

Umagang Kay Ganda, 25 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.