Leyte, niyanig ng magnitude 5.1 lindol; 2 naitalang namatay

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 11:51 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dalawa ang namatay matapos muling yanigin ng lindol ang Leyte kahapon. Higit 200 bahay rin ang bahagyang napinsala ng lindol.

Nagising ang mga taga-Leyte matapos nila maramdaman ang magnitude 5.1 na lindol alas-6.26 ng umaga kahapon.

Sa lakas ng pagyanig, kita sa CCTV ang paggalaw ng mga mesa at upuan sa barangay hall. Basag din ang fiber glass ng basketball court.

Nagtakbuhan ang mga nasa loob ng Ormoc City Hall sa lakas ng lindol. Ramdam din ang malakas na lindol sa public market kaya nagtakbuhan palabas ang mga tao.

Sa Albuera naitala ang epicenter ng lindol na naramdaman din maging sa Tacloban City, Palo at Pastrana, Leyte.

Pagkatapos ng lindol, kita ang pinsala sa city hall. Lumala ang mga bitakna unang naitala nang yanigin din ang lungsod noong Hulyo.

Hindi muna pinapasok ang mga empleyado.

Higit 200 bahay ang bahagyang napinsala sa Barangay Altavisa.

Samantala, sinabi ng City Disaster Risk Reduction Management Office na may dalawng namatay. Ang isa ay nadulas at bumagok ang ulo habang atake sa puso naman ang ikinamatay ng isa pa.

"We have actually one dead directly attributed sa earthquake," ayon kay Atty. Benjamin Pongos, acting city mayor ng Ormoc City.

"Actually what happened, this woman slipped and her head was banged against the floor I believe, that caused her death. And there is also another person unfortunately again died but this time indirectly, because after the earthquake, she reacted badly and then she suffered a cardiac arrest, which caused her death," paliwanag ni Pongos

Kinansela ang klase sa syudad dahil sa lindol.

Wala namang malawakang pinsala na naitala sa syudad. Umagang kay Ganda, 24 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.