Ina ng testigo sa kaso ni Kian, nagreklamo, di ipinaalam ang 'pagkuha' sa anak

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 01:12 AM

Watch also in iWantTFC

Hiniling ng ilang kaanak ng dalawang menor de edad na testigo sa pagkasawi ni Kian Loyd De Los Santos na ipaubaya na lang sa Public Attorney's Office ang kustodiya sa dalawa. Kasalukuyang nasa kustodiya sila ng isang senador. Reklamo pa ng ina ng isa sa mga testigo, bakit bigla na lang kinuha ang kaniyang anak nang hindi umano hinihingi muna ang pahintulot ng magulang. Exclusive nagpa-Patrol, Dominic Almelor. TV Patrol, Huwebes, 24 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.