Truck driver, 8 iba pa huli sa droga sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 08:53 PM | Updated as of Sep 29 2019 03:21 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang siyam na katao sa serye ng anti-drug operations sa Bulacan nitong Miyerkoles.

Unang pinasok ng Meycauayan police ang isang bahay sa Barangay Lawa na ayon sa tip ay ginagawa umanong drug den kung saan nakakabili rin ng droga.
    
Nang salakayin, anim ang naabutang nagsa-shabu sa loob ng bahay. 

Sinamantala na ito ng mga pulis at inalam kung saan kumukuha ng droga ang grupo.

Sa follow-up operation ay natimbog naman ang babaeng sinasabing nagbabagsak ng droga na kinilala bilang si Jam Ramos at isang kasama pa nito.

Pati ang tricycle driver na kasabwat umano nila, inaresto rin ng pulisya.

Naalarma naman ang mga awtoridad dahil ang isa pang naarestong truck driver na si Maynard Japsay, aminadong gumagamit ng droga habang nagmamaneho.

"Pampatanggal ng antok po," aniya.

Kakasuhan ng paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naaresto.
    
—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.