Tigil-putukan ng gobyerno at NPA, isusulong sa loob ng 3 buwan

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2016 10:15 PM

Watch also in iWantTFC

Isusulong ng Duterte administration at CPP-NPA-NDF ang pagpapatupad ng bilateral ceasefire sa loob ng tatlong buwan. Ito ang namumuong kasunduan sa proposed agenda ng magkabilang panig na magiging gabay sa susunod na tatlong araw na peace talks sa Oslo, Norway. Nagpa-Patrol, Europe bureau chief Danny Buenafe. TV Patrol, Martes, Agosto 23, 2016