PatrolPH

PH posibleng may local transmission na ng monkeypox, ayon sa eksperto

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2022 11:46 PM

Watch more on iWantTFC

Posibleng may local transmission na ng monkeypox sa Pilipinas matapos ang isang kumpirmadong kaso sa Iloilo, ayon sa isang eksperto.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, importante na malaman ng Department of Health ang nakasalamuha ng pasyente na sinasabing may monkeypox

Aniya, isang magandang indikasyon na nakita ng mga dalubhasa ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Ayon naman kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, OIC ng DOH, inaalam nila kung may nakasalamuhang banyaga ang sinasabing pasyente dahil ang ibang nakasalamuha ng pasyente ay hindi umano nagpakita ng sintomas ng monkeypox.

Aniya, nagiging maayos na ang kalagayan ng sinasabing pasyente ng monkeypox habang patuloy na minomonitor ng DOH ang isang pasyente na sinasabing may monkeypox.—SRO, TeleRadyo, Agosto 22, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.