Tindahan ng auto supply, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 09:30 AM

Watch also in iWantTFC

Naabo ang nasa P30,000 halaga ng auto parts matapos sumiklab ang sunog sa isang tindahan sa North Fairview, Quezon City.

Pasado hatinggabi nang masunog ang unang palapag ng nasabing tindahan sa isang gusali sa Regalado Avenue.

Mabilis namang naapula ang apoy at hindi na kumalat sa mga katabing tindahan at eskwelahan.

Ayon kay Arson Investigator, Inspector Rosendo Cabillan, nahirapan lang ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil sarado ang accordion doors ng tindahan.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. Umagang kay Ganda, 22 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.