SAPUL SA CCTV: Rambol sa piyesta sa Sta. Ana

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 09:39 AM

Watch also in iWantTFC

Tatlo katao ang sugatan, kabilang ang isang menor de edad, sa rambol sa Sta. Ana sa Maynila pagkatapos ng pista sa barangay.

Sapul sa CCTV ang gulo.

Sa video, kitang may naghagis pa ng bato. May lalaki ring inundayan ng saksak. Tinamaan din ng bote ng alak sa ulo ang isang menor de edad.

Sumiklab umano ang gulo nang kumprontahin ng isang Wilson Peralta ang nakainom na kapitbahay na nanghiram ng kanyang bisikleta matapos madiskubreng sira na ito.

Sinasabing si Peralta ang nanaksak sa isang bystander na nataong nasa lugar lang.

Kinilala ang biktimang si Jobelle Relimbo na nagtamo ng mga sugat sa magkabilang bahagi ng ulo't kamay.

Sugatan din sa gulo si Peralta na sinampahan ng kasong frustrated homicide. – Umagang kay Ganda, 22 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.