Habagat magdadala pa rin ng mga pag-ulan: PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 07:32 AM | Updated as of Aug 23 2017 07:36 AM

Watch also in iWantTFC

Nakalabas na sa bansa ang bagyong "Isang," pero patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng bansa dahil sa habagat Miyerkoles, abiso ng state weather bureau PAGASA. 

Iiral ang mahina hanggang katamtaman at kung minsa'y malakas na pag-ulan sa Ilocos Region at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro and Palawan, ayon kay PAGASA meteorologist Meno Mendoza. 

Inaasahan naman aniya ang maulap na kalangitang may manaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. 

Wala namang namataang namumuong bagyo ang PAGASA kaya inaasahang gaganda na ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw, ani Mendoza. 

Bisatahin naman ang ABS-CBN Weather Center para sa mga pinakabagong ulat-panahon.

DZMM, 23 Agosto 2017