Guro sa Davao, napatay ng mister dahil umano sa selos

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2016 01:24 PM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isang 32-anyos na guro matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang mister sa bahay nila sa Toril, Davao City.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, sinundo pa ni Armando Gange ang kanyang misis na si Jackielou sa pinapasukahang eskwelahan at sabay silang umuwi.

Matapos ang ilang sandali, napansin ng mga kapitbahay na may gulo sa loob ng bahay ng mag-asawa at agad itong iniulat sa pulisya.

Patay na ang biktima nang dumating doon ang mga pulis.

Selos ang pinag-aaralang anggulo sa krimen lalo na't nadakip ang suspek nang bumalik ito sa eskwelahang pinagtuturuan ng misis at sinubukang sagasaan ang school administrator doon.

Narekober sa suspek ang patalim na hinihinalang ginamit sa pananaksak sa biktima.

Umagang Kay Ganda, 22 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.