Bagyong Isang, kumikilos patungong Batanes

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 01:36 AM

Watch also in iWantTFC

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong Isang na kumikilos patungong Batanes Group of Islands. Nakataas ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands, habang signal number 1 naman sa Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Apayao, at Ilocos Norte. 

Walang nakataas na storm warning signal sa Metro Manila pero ilang lugar ang binaha dahil sa malakas na ulan kanina. At live mula sa Bgy. Sto. Domingo sa Quezon City, i-Bandila mo, Miguel Dumaual. - Bandila sa DZMM, Agosto 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.