Home > News BALIKAN: Afghanistan noong 2001 mula sa karanasan ng mga Pinoy na mamamahayag ABS-CBN News Posted at Aug 20 2021 01:10 PM | Updated as of Aug 20 2021 08:24 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA -- Taong 2001 nang maalis sa Taliban ang pamumuno sa Afghanistan matapos ang inilunsad na "war on terror" ng Estados Unidos na sagot nito sa September 11 attacks na pumatay sa 3,000 tao sa Amerika. Nobyembre ng taong ding iyon napasok ng ABS-CBN News team na kinabibilangan nina Ed Lingao, Patrick Paez, Jim Libiran at Val Cuenca ang Kabul, Afghanistan. Sila ang mga unang mamamahayag na Filipino na nakatapak sa bansa na sentro ng gulo at takot ng mga panahong iyon, matapos ang giyera na nagpaluhod sa Afghanistan. Inilunsad ang air strikes sa Afghanistan noong October 7, 2001 at ilang buwan matapos noon ay bumagsak ang Taliban. The Afghanistan crisis: Key dates and events that led to the fall of Kabul Sumiklab ang gulo matapos kanlungin ng Taliban si Osama Bin Laden at ang al Qaeda na siyang utak sa 9/11 terror attacks. Panoorin ang dokumentaryong 'Dateline: Afghanistan' ng programang The Correspondents na unang napanood sa ABS-CBN Channel 2 noong Disyembre 2001. Timeline: Taliban takeover in Afghanistan Share Facebook Twitter LinkedIn Viber CA Throwback Read More: Taliban Afghanistan CA Throwback The Correspondents Ed Lingao Patrick Paez Jim Libiran Val Cuenca War Terror war on terror US USA 9/11 September 11 al Qaeda al-Qaeda Osama Bin Laden ABS-CBN News ABS-CBN Channel 2 ABS-CBN Current Affairs terrorism