Home > News Drive-thru Vaccination sa Caloocan, umarangkada na ABS-CBN News Posted at Aug 19 2021 10:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA— Umarangkada na ang drive-thru vaccination para sa delivery riders sa Caloocan City. Nasa 2,500 delivery riders ang target mabakunahan dito. Ayon sa Caloocan city government, mahalaga na bakunado ang mga delivery riders dahil isa sila sa madalas humarap sa mga tao ngayon. Online appointment ang sistema sa pagpapabakuna dito. Bukod dito, may drive-thru vaccination din sa SM Center Sangandaan sa South Caloocan. Nasa mahigit 1 milyong doses ng bakuna na rin ang naiturok sa Caloocan, at 363,000 tao na ang fully vaccinated. — Teleradyo, 19 Agosto 2021 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog news, DZMM, TeleRadyo, vaccination Read More: COVID19 vaccination bakuna pagbabakuna delivery delivery riders frontliners drive thru vaccination COVID19 vaccination Metro Manila