PatrolPH

Fishball vendor, 7 kasamahan timbog matapos mahuli sa drug session sa Pasig

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2021 06:41 AM

Watch more on iWantTFC

Kalaboso ang bagsak ng isang fishball vendor at 7 niyang kasamahan matapos silang mahuli sa akto ng pulis sa umano'y drug session sa Barangay Pinagbuhatan, lungsod ng Pasig. 

Batay sa paunang impormasyon mula sa Pasig PNP drug enforcement unit, pumunta ang mga tauhan nila sa nasabing lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may bahay na ginagawa umanong drug den sa Patukod Street.

Pagdating ng mga pulis sa nasabing bahay ay doon umano naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga si alyas Carmen, isang fishball vendor at 7 nyang kasamahan. 

Pawang mga walang trabaho ang mga nahuling kasabwat ni Carmen.

Nakumpiska sa kanila ang mga drug paraphernalia at 8 sachet ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P64,000. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga hinuli.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.