Home > News Grupo ng mga nurse umaagapay sa mga kasamahang naipit ng deployment ban ABS-CBN News Posted at Aug 19 2020 01:52 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Patuloy na umaalalay ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mga kasamahan nitong naipit sa temporary deployment ban ng gobyerno dahil sa pandemya. “May mga nurses na nag-apply for overseas employment mula pa last year 'yan, kaya lang ang mga papel nila naabutan ng lockdown. Pero kami po tumulong sa mga nurses na dumulog sa amin, 'yung mga problema nila regarding sa ban na nakaka-affect [sa kanila],” pahayag ni PNA National President Rosie de Leon. Philippines might lift overseas deployment ban on health workers after virus pandemic Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo, sinabi ni De Leon na hindi sila sumusuko sa pag-alalay sa mga kasamahang apektado ng temporary ban. Sa katunayan, nagawa na nilang makipag-usap sa mga ahensiya na aaksiyon sa mga problema ng kanilang mga kabaro. “Lahat ng mga hinaing nasabi na sa kanila and doon sa aming ginawa na 'yan palagay namin we have done already the best sa kanila,” sabi niya. Nakapag-resign na umano sa kanilang mga trabaho ang mga nurse na gumastos at naghihintay na makalipad papunta sa ibang bansa. Philippines allows healthcare workers with existing overseas contracts to work abroad again “We will not stop ang ifo-follow up hanggang kailan itong mga nurses natin through this temporary ban na nandirito sa Pilipinas,” sabi niya. Ayon sa gobyerno, nangangailangan ng maraming health workers ang Pilipinas para tumulong sa paglaban sa COVID-19. Aalisin lamang ang temporary ban kapag humupa na umano ang health emergency sa bansa. -- ABS-CBN Teleradyo 19 Agosto 2020 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Rosie de Leon, Philippine Nurses Association, PNA, ban on overseas deployment of nurses, health workers, COVID-19 pandemic Read More: Rosie de Leon Philippine Nurses Association PNA ban on overseas deployment of nurses health workers COVID-19 pandemic