Sasakyan, tumagilid sa Kamuning flyover

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2020 08:48 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Tumagilid sa paanan ng Kamuning flyover ang isang sasakyan sa EDSA southbound sa Quezon City, Martes ng umaga.

Nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko ang aksidenteng naganap pasado alas-6 ng umaga.

Naialis naman ang naturang sasakyan na umukopa ng dalawang lane ng kalsada.

Ayon sa driver, galing sila ng Navotas at papuntang Binangonan, Rizal para kumuha ng bangus nang malubak ang kanilang sasakyan bago umakyat ng flyover.

Dahil dito, nawalan siya ng kontrol sa manibela at bumangga sa steel fence.

Sa lakas ng pagkabangga ay napakabig siya sa kaliwa dahilan naman para tumagilid ang sasakyan.

Nagtamo lamang ng gasgas ang driver habang nahatak na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sasakyan.