Negosyanteng Chinese, patay sa pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 11:02 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isang negosyanteng Chinese matapos pagbabarilin sa A. Rivera Street, Barangay 241, Zone 22, Tondo, Maynila. 

Batay sa kuha ng CCTV, malapitang binaril ng isang nakamaskarang lalaking nakasakay sa motor ang biktima nakilalang si William Liu na isang taon nang naninirahan sa Tondo.
 
Naitakbo pa sa Metropolitan Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival. 

Binaril din ng parehong gunman ang kasosyo ni Liu na hindi pa matukoy kung sino. 

Agad siyang nadala sa ospital at nasa mabuti nang kondisyon. 

Ayon kay Barangay Captain Michael Nuguid, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

Umagang kay Ganda, 18 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.