HULI sa CCTV: Panloloob ng binatilyo sa bahay ng negosyante

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 09:21 AM

Watch also in iWantTFC

Huli sa CCTV ang panloloob ng isang binatilyo sa bahay ng isang negosyante sa Tabaco City, Albay.

Sa video, kita ang pagpasok ng suspek sa bintana ng dining area sa ikatlong palapag ng bahay ng pamilya Que.

Nagtago muna siya sa dining table na tila umiiwas sa CCTV.

Nang masigurong walang tao, nag-ikot na sa sala ang lalaki at ginalaw pa ang isang bag na nasa mesa.

Umaga na nang malaman ng pamilya Que na nanakawan sila.

Sa ground floor ng bahay na walang CCTV nakuha ang P20,000 at cellphone.

Agad namang nahuli ng mga pulis ang suspek na napag-alamang 14-anyos lang.
    
Hindi na narekober pa ang pera at cellphone dahil naibigay na umano ito ng suspek sa isang nagngangalang “Obet”.

Nakuha rin sa kanya ang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Umagang kay Ganda, 18 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.