Bata, naipit sa escalator sa mall sa Iligan City

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 10:47 AM

Watch also in iWantTFC

Naipit ang 2-taong gulang na bata sa escalator ng isang mall sa Iligan City.

Nakaupo sa gilid ng escalator ang bata kasama ang kanyang ina nang humawak sa handrail ang anak.

Hinigop ang braso ng bata sa handrail entry device at naipit.

Agad tumulong ang mga guwardiya at ilang mga tao sa mall pero napakawalan lang ang paslit nang basagin ang salamin ng escalator at ang aluminum plate sa ilalim nito.

Di na humarap sa camera ang pamunuan ng mall, pero sinabi nilang hindi sila nagkulang sa pagpapaalala kung paano gamitin ang escalator. 

Nakapaskil rin sa escalator ang ilang safety reminders.

Hinihintay ngayon ng pulisya ang pagdulog ng mag-ina sa kanila. Umagang kay Ganda, 18 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.