PatrolPH

Lalaki patay matapos saksakin ng umano'y kinakasamang babae sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2022 06:30 AM

Watch more News on iWantTFC

Pananaksak ng kinakasama ang umano'y sanhi ng pagkamatay ng isang lalaki sa kanilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila.

Agad inaresto ang babaeng suspek na kinompronta ng mga kapatid ng biktima.

Inamin nito na nagkasigawan at nakapagbitaw sila ng masasakit na salita sa isa't isa kaya niya nagawa ang pananaksak sa kinakasama.

Isang improvised na kutsilyo ang ginamit sa pananaksak.

Hindi inasahan ng mga kaanak ng biktima na sa madugong krimen hahantong ang pagsasama ng kanilang kapatid sa suspek.

Nagsisisi naman ang suspek sa ginawa sa kinakasama sa loob ng 17 taon.
 
Wala namang anak ang biktima at suspek.

Desidido ang mga kaanak ng biktima na ituloy ang kaso laban sa suspek.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.