Motorsiklo inanod matapos umapaw ang spillway sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2020 10:14 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inanod ng ilog ang isang motorsiklo matapos itong mabitawan ng driver sa spillway sa Balatan, Camarines Sur. 

Nagtulong-tulong ang mga residente at tricycle driver na makuha ang inanod na motorsiklo. 

Kuwento ng asawa ng driver, hindi nito napansin na rumaragasa ang tubig nang tumawid siya sa spillway. Posible aniyang napasok ng tubig ang makina kaya hindi na umandar ang motor. Agad na bumaba ang driver kaya't tinangay ng tubig ang motor. 

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Office, matagal na nilang inabisuhan ang mga residente na huwag magpumilit tumawid sa spillway kapag masama ang panahon. 

ABS-CBN TeleRadyo, August 17, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.