Sundalong nang-'harass' ng mga estudyante, guro sa Marawi, sinibak

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 11:42 PM

Watch also in iWantTFC

Nagkakaroon na umano ng 'combat stress' ang ibang sundalo dahil sa tindi ng bakbakan sa Marawi. Ito ang tinitingnang dahilan din kaya nagawang mang-harass ni Corporal Marlon Lorigas sa grupo ng estudyante at guro ng Mindanao State University nang mapadaan sila sa isang checkpoint. Sinibak na ng Armed Forces of the Philippines si Lorigas. Samantala, nanawagan ang grupo ng mga ulama o Islamic religious scholars sa bansa na itigil na ang airstrikes sa Marawi City. Sama-sama rin nilang kinondena ang Maute group at ang paghahasik nito ng terorismo. Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Huwebes, 17 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.