ALAMIN: Ano ang Japanese encephalitis?

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 10:10 AM | Updated as of Sep 04 2017 09:01 PM

Watch also in iWantTFC

Umabot na sa 149 ang kaso ng Japanese encephalitis sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DoH), sa Pampanga ang may pinakamataas na kaso na may umabot na sa 22.

Isang vector borne disease ang Japanese encephalitis na nakukuha rin sa kagat ng insekto tulad ng lamok.

Ilan sa mga sintomas nito ay sakit sa ulo, lagnat, pagsusuka, at hirap sa paggalaw.

Sa ngayon, wala pang gamot sa nasabing sakit pero may mga gamot at bakuna para maiwasang tamaan nito.

Payo rin ng mga duktor na kaagad magpakunsulta sa mga espesyalista kapag nakitaan na ng sintomas.

Umagang kay Ganda, 17 August 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.