8 sasakyan nagkarambola sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2016 08:44 AM | Updated as of Aug 17 2016 08:57 AM

Watch also in iWantTFC

(UPDATED) Nagkarambola ang walong sasakyan sa Barangay Pinagkaisahan, Makati Miyerkules.

Inamin ng jeepney driver na si Emmanuel Miranda na kasalanan niya ang banggaan sa kanto ng Jervois at Harvard streets, pasado ala-7 ng umaga.

Mabilis aniya ang takbo ng kanyang jeep nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa apat na kotse, dalawang UV Express van at isa pang jeep.

Sa lakas ng banggaan, pumaibabaw ang isang pick-up truck sa isang Mitsubishi Mirage.

Apat na motorista ang nangailangan ng first-aid dahil sa insidente.

Nagdulot ng matinding trapik sa lugar ang mga naaksidenteng sasakyan na hindi pa rin naiaalis sa daan pasado alas-8 ng umaga. -- May ulat nina Alex Calda, DZMM; Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News