Bagong tren ng MRT na mula Tsina, sa 2018 pa aarangkada

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2017 01:01 AM

Watch also in iWantTFC

Muli na namang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit kaninang hapon kaya napilitang maglakad sa gilid ng riles ang mga pasahero. Ang masaklap pa para sa mga pasahero, mukhang sa taong 2018 pa paaandarin ang mga bagong biling tren mula Tsina. Nagpa-Patrol, Jacque Manabat. TV Patrol, Lunes, Agosto 14, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.