PatrolPH

4 tiklo matapos makuhanan ng P600-K na halaga ng marijuana sa Bulacan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2021 06:52 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Kalaboso ang 4 na lalaki matapos nilang kumagat sa anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Muzon, lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan Huwebes.

Batay sa impormasyon mula kay Police Lt.Col. Julius Alavaro, acting chief of police ng SJDM Police, taga-Barangay Muzon ang mga suspek. Walang trabaho ang mga lalaki at rumaraket umano sa pagbebenta ng droga para may pera.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer para sa P5,000 halaga ng marijuana, at nang magkapalitan na ng pera at droga ay saka inaresto ang apat. 

Nakumpiska sa kanila ang 4 na bloke ng hinihinalang marijuana na may bigat na 3 kilo. Nagkakahalaga ito ng P600,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.