Mga manggagagwa, nananawagan ng P5k na ayuda ngayong ECQ

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2021 04:49 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA – Nananawagan ang isang grupo ng mga manggawa ng ayudang P5,000 para sa mga kahanay nilang hindi makakapaghanapbuhay sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

“Ang mga manggagawa, mahirap na pamilya, tsuper, manininda at iba pa, dapat magbigay ng sapat na ayuda sa panahon na palalawigin pa ang lockdown. Ibig sabihin yung P5,000 na kahingian namin ay angkop lamang sa 2 linggong lockdown na period,” ani Ka Elmer Labug ng Kilusang Mayo Uno.

Aniya, dapat ibinigay na ang ayuda sa mga mamamayan bago pa ipinatupad ang ECQ.

“Sobrang late, ‘di saklaw ang lahat ng kasalukuyang ayuda, at yung sistema’y nire-require pang lumabas nang bulto-bulto ang mga manggagawa’t mamamayan sa kanilang bahay.”

“Sana naisip na i-deliver na lang yung ayuda,”dagdag pa niya.

-- DZMM, 13 Agosto 2020