PatrolPH

Higit P10 milyong halaga ng shabu nasabat sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2022 06:37 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Higit P10 milyong halaga na hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Novaliches, Quezon City.

Ikinagulat ng mga residente at kawani ng barangay na may ganyang karaming droga sa lugar nila sa Carlos St., Brgy. San Bartolome. 

Ayon naman sa QCPD, isang buwan nilang minanmanan ang suspek na pumasok sa radar nila matapos na ipagbigay-alam ng barangay sa kanila na kaniyang bahay, ilang sasakayan ang humihinto dito na pawang mga dayo at aalis din.

Kalaunan nalaman nilang taga-Malabon City ang suspek at nakulong na rin sa kasong robbery-holdup at paggamit ng ilegal na droga. Ang mga parokyano nito mga taga-Malabon din.

Sa isang Chinese national umano kumukuha ng ilegal na droga ang suspek at kinokonsidera ito ngayong high-value target dahil sa nakuhang 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na may halagan P10.2 milyon.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek

Ang tingin ng awtoridad, posibleng sa piitan nakilala ng suspek ang supplier nito nang makulong noong 2016, at maaaring dito siya na recruit na maging drug pusher.

Dahil mula sa barangay at residente ang impormasyon, mas hinihimok ng PNP ang mga publiko na huwag mag dalawang-isip na ipagbigay alam sa kanila kung may kahina-hinalang gawain sa kanilang lugar.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.