PatrolPH

55,000 jeepney drivers sa NCR, balik-pasada na

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2022 08:08 AM

Watch more News on iWantTFC

Bumabalik na sa kalsada ang mga jeepney driver na huminto muna sa pamamasada dahil sa pandemya at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa presidente ng PISTON na si Ka Mody Floranda, nasa mahigit 55,000 na ng unit ng mga jeep ang balik kalsada na.

Ang ilan sa mga dahilan ang pagbubukas na ulit ng LTFRB ng mga dating ruta na ipinasara bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 22.

Malaking bagay din ayon kay Floranda ang pagbaba na sa presyo ng krudo kaya ang ilang operators pinayagan nang mamasada ang kanilang mga jeepney drivers.

May ilang mga operators na hirap pang makabalik sa pamamasada ang mga jeep dahil kailangan pa itong ayusin matapos nag halos 2 taon na pagkakatenga sa pamamasada.

Kailangan umano ng nasa P40,000-P50,000 na budget para sa pagpapaayos ng mga jeep.

Samantala masaya naman ang PISTON sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis.

ABS-CBN News, August 11, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.