Home > News 5 tiklo sa umano’y drug den sa Pasig Lady Vicencio, ABS-CBN News Posted at Aug 11 2021 07:54 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Eastern Police District ang buy-bust operation laban sa isang lalaki sa Pasig City. Nakatanggap ng tip ang PDEA na isang drug den ang pinatatakbo ng lalaki sa isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan. Inabutan pa sa bahay ang pake-pakete ng hinihinalang shabu na umabot sa P122,000 ang halaga. Ilang drug paraphernalia rin sa pagtatarya at paggamit ng ilegal na droga ang kumpiskado. Drogang may halos P1-M halaga, nakuha sa 9 suspek sa Maynila Natukoy ang 30 anyos na target na isang tricycle driver at siya pang nagpapatakbo ng drug den. P1.7-milyong halaga ng shabu nasabat sa Taguig, 2 arestado Apat na katao pa ang kasama niyang inaresto na umano’y mga parokyano naman ng drug den. Nasa kustodiya ng PDEA NCR ang limang nahuli na haharapin ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber droga, buy bust, Teleradyo, Sakto, Tagalog news Read More: Pasig droga Pasig buy bust Pasig drug bust Teleradyo Sakto Tagalog news