Itinuturong tulak, patay nang manlaban umano

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 09:45 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isang itinuturong tulak ng droga nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Caloocan, pasado alas-dos ng madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang napatay na si Winner Gatdula, alyas Tangkad, na kilalang tulak sa Barangay 33.

Nagtamo siya ng 2 tama ng bala sa dibdib.
    
Ayon sa mga pulis, nakatunog umano si Gatdula na pulis ang kanyang mga naka-transaksiyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at napuruhan si Gatdula.

Narekober sa kanya ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu at isang baril. ABS-CBN Umagang kay Ganda
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.