Bangkay ng lalaking nakatali, natagpuan

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 09:47 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuan ang bangkay ng isang hinihinalang biktima ng summary execution sa Payatas, Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Ang bangkay ng biktima ay balot ng packaging tape sa mukha at nakatali sa likuran ang mga kamay nang matagpuan sa Sto. Niño sa Payatas.

Sabi ng mga residente, mag aalas-dos ng madaling araw nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok.

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaki. Sabi ng mga taga barangay, hindi ito residente ng Sto. Niño.

Narekober mula sa crime scene ang 16 na basyo ng bala.

Sabi ng mga residente, napapadalas na ang pagtatapon ng bangkay at pagpatay sa kanilang lugar. Ito na ang ikatlong insidente sa loob ng dalawang buwan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad.

Umagang kay Ganda, 11 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.