Suspek sa pamamaril, patay sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2016 08:29 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Bulacan matapos umano siyang manlaban sa buy-bust operation, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Christopher Yap, umano'y responsable sa pagpatay kay Jordan Fernandez noong Agosto 3. Kabilang din si Yap sa drugs watchlist ng pulisya.

Nagkasa ang mga pulis ng buy-bust operation laban kay Yap sa Buhangin National Road, Barangay Pulong sa bayan ng Sta. Maria.

Nanlaban umano ang suspek nang makahalatang operatiba ang binentahan niya ng shabu, kaya nabaril ito hanggang mapatay ng mga miyembro ng Druge Enforcement Unit.

Narekober kay yap ang isang kalibre .38, 12 bala, dalawang empty shells, dalawang pakete ng hinihinalang shabu, mga piraso ng aluminum foil at pera.

Umagang Kay Ganda, 11 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.