Home > News Experimental traffic scheme sa Manggahan Bridge sa Pasig, ipinatutupad na ABS-CBN News Posted at Aug 10 2021 09:21 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Ipinatutupad na ngayong Martes ang experimental traffic scheme sa Manggahan Bridge sa Pasig City. May mga tarpaulin nang nakakabit sa kanto at paligid ng tulay para maabisuhan ang mga motorista na tanging ang mga manggagaling lamang ng Rizal at Marikina at patawid ng Ortigas ang pwede na lamang dumaan sa tulay. Ang mga hindi na papayagang tumawid sa tulay ay ipinadadaan sa East Bank Road. Bagong one-way traffic scheme ipatutupad sa Manggahan Bridge sa Pasig Bukod sa mga tarpaulin, naglatag na rin ng mga barrier para maharang ang mga motorista na karaniwang ay kumakanan sa tulay. Checkpoints sa NCR Plus boundaries ibinalik bago ang ECQ Ang mga apektadong motorista ay tinutulungan na ngayon ng mga traffic enforcers at sinasabing dumaan sa Ortigas Avenue at mag U-turn sa East Bank Road. Ang mga truck naman ay hindi pinaparaan sa East Bank Road at ngayon ay sinasabing dumaan sa C-5 Road para makapunta sa kanilang destinasyon. Ginawa ang traffic scheme para malaman kung mababawasan ang karaniwang heavy traffic sa lugar tuwing rush hour. Wala pa namang takdang panahon kung hanggang kailan ito ipatutupad. — TeleRadyo 10 Agosto 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Manggahan Bridge, Experimental Traffic Scheme, Pasig City, TeleRadyo, Metro news Read More: One way traffic scheme Experimental traffic Scheme Manggahan Bridge Pasig City