Mga kumukuha ng ikalawang kurso, di sakop ng libreng tuition

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 01:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Binabalangkas na ng Commission on Higher Education (CHED) at iba pang ahensiya ng gobyerno ang implementing rules and regulations ng batas na magbibigay ng libreng tuition para sa state universities and colleges (SUC). 

Inabisuhan na rin ng CHED ang mga SUC na higpitan ang kanilang admission at retention policies para maiwasan ang biglaang paglobo ng estudyante. Ito ay sa kabila rin ng pangamba na dadagsain ng mga estudyante mula private universities ang mga pampublikong unibersidad. Nagpa-Patrol, Pia Gutierrez. TV Patrol, Huwebes, 10 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.