Mag-nobyong college students, nahulihan ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2017 10:01 AM

Watch also in iWantTFC

Arestado ang mag-nobyong college students matapos mahulihan ng mga tanim na marijuana sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Gregorio ng Laguna State Polytechnic University at Dulce Carcosia ng UP Los Baños.

Anim na paso ng marijuana ang narekober sa kanilang kuwarto kung saan dalawa ay bagong tanim pa.

Nakuha rin sa mga suspek ang 23 buto ng marijuana, mga pinatuyong dahon, timbangan at glass pipe.
    
Ayon kay Superintendent Arvin Avelino, hepe ng Los Baños Police, higit isang buwan din nilang tiniktikan ang lugar.

Inaalam pa kung saan kinukuha ng dalawa ang mga marijuana.

Umagang kay Ganda, 10 August 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.