Ilang nakumpiskahan ng 'colorum' na tricycle, nakagirian ng mga awtoridad

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 12:54 AM

Watch also in iWantTFC

Aabot sa 70 "colorum" na traysikel at pedicab ang kinumpiska sa Maynila dahil isa ang mga ito sa itinuturong dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa mga kalsada. 

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, nasa 25,000 traysikel ang namamasada sa buong Maynila, pero 1,500 lang ang may prangkisa. Sa 12,000 na pedicab naman, 1,200 lang ang nabigyan ng permit ng lokal na pamahalaan. Nagpa-Patrol, April Rafales. TV Patrol, Huwebes, 10 Agosto 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.