4 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2017 09:10 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Apat na katao ang sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa kahabaan ng Gilmore Street sa Barangay Mariana sa Quezon City pasado ala-1 ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, binabaybay ng isang Elf Truck ang Gilmore Street nang makasalubong ang isang pick-up na galing ng 9th Street.

Mabilis ang takbo at dumirediretso ang truck kaya nabangga ang nasabing pick-up.

Nang magkabanggaan, nawalan sila ng kontrol at magkadikit na napunta sa kaliwang lane kaya nabangga ang isa pang kotse.

Sugatan ang driver at dalawang pasahero ng pick-up at ang driver ng kotse. Hindi naman malubha ang tinamong sugat ng mga biktima.

Nakilala ang driver ng Elf Truck na si Jefferson Diaz. Galing silang Caloocan na magde-deliver sana ng mga pintura sa Mandaluyong.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Traffic Division.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties ang isasampa laban kay Diaz.

Ayon sa Traffic Division, madalas ang aksidente sa lugar kaya panukala nilang palagyan ng humps ang mga kalsada dito.

Umagang kay Ganda, 10 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.