Babae, bata sugatan sa pamamaril sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2016 11:12 AM

Watch also in iWantTFC

Sugatan ang isang babae at walong-taong-gulang na bata matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Marikina, Martes ng gabi.

Sinasabing kasagsagan ng malakas na ulan nang barilin ng naka-kapoteng lalaki ang biktimang si Loribee Dela Cruz at kasamang bata sa Mais 1 Street, Barangay Tumana.

Hindi na naabutan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ang suspek sa lugar.

Isinugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktima.

DZMM Teleradyo, 10 Agosto 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.